Lalaki sa katawan ng babae. Chos.

PAGIBIG

Ano nga ba ang pagibig? Ang pagibig ay aking maihahalintulad sa maraming bagay. Ito’y maaaring maging iba`t ibang lasa, isang kahilingan, isang laro at kung ano ano pang nagbibigay ng kahulugan sa buhay ng isang tao.

Gaya ng aking nabanggit, ang pagibig ay maaaring maging iba`t ibang lasa.. May mga oras na ito`y matamis at may parteng ito`y magiging mapait din. Ang pakiramdam na may kahawak ka ng kamay at may kayakap na taong pinahahalagahan mo ng sobra, ay ilan lamang sa matatamis na dulot ng pagibig sa atin. Ngunit sa ibang pagkakataon, ito`y magiging mapait kapag hindi naalagaan ng mabuti. Dadaan ito sa proseso ng paglimot, kung saan hindi maiiwasan ng isang tao ang maging mapait sa lahat ng nangyari sa nakaraan.

Ang pagibig ay parang isang kahilingan. Gusto natin itong maging masaya, maging kakaiba, maging pangmatagalan, maging perpekto. Ngunit, huwag tayong masyadong umasa na matutupad ang ating mga kahilingan, kung ayaw nating lubos na masaktan. Huwag humiling ng sobra kung ayaw mong madismaya, humiling ng sakto, at ika`y makuntento.

Sinabi ko na ito`y maaaring maging isang laro. Dahil sa isang laro, maaari kang madaya sa maraming paraan, ngunit kailangan mo itong ipaglaban. May mga kalaban kang magsisilbing pagsubok, at may mga kakampi ka naman na magiging kaagapay mo sa iyong paglalakbay. May mga panahong ikay makakaranas ng pagkapanalo, at sa mga pagkakataong iyon, dapat mong ingatan ang pinanghahawakan mo dahil malay natin, hindi pala ito para sa iyo sa pang habang panahon. At kung ikay nakaranas ng pagkabigo, kailangan mong tanggapin ang mga pangyayaring hindi mo inaasahan. Tanggapin na hindi lahat ng bagay ay aayon sa iyong kagustuhan. Ganun talaga, minsan talo, minsan panalo, ngunit ang mahalaga, lumaban ka. Ipinaglaban mo ang nararamdaman mo, at hindi ka bastabasta sumuko.

Pero para sa akin, may isang paghahambing ang namumukod tangi. At ito ay ang paghahambing ko ng pagibig sa isang MISYON. Misyon, dahil ito ang bilin sa atin ng panginoon, ang mag mahal. Ang mahalin ang ating kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili. Isang misyon para umibig at pasayahin ang mga tao sa ating paligid. Misyon ng pagsasakripisyo para sa ating mga minamahal. Kung tutuusin, hindi mahirap ang pagsasakripisyo ng lahat para sa isang tao. Ang mahirap dito, ay ang paghanap ng taong paglalaanan mo at karapatdapat sa yong sakripisyo.

  1. oneoftheboyss posted this